KLBW — Official Lyric Visualizer
Mike Kosa • J-Skeelz • Smugglaz • Loonie
Beat Produced, Recorded, Mixed & Mastered by: Yung Bawal
Director/Cinematographer & Editor: JC Echanes
Graffer: Errol Montegrande
Studio: InfiniteJ Creative
Special thanks to :
Boss Charlon
Krown Manila
Quality Clothing
Kazuki Yazumi
Adrian Dantes Terrado
© 2026 All Rights Reserved.
#KLBW #MikeKosa #JSkeelz #Smugglaz #Loonie #InfiniteJCreative #FilipinoHipHop #OPM #musicvideo
KLBW — Mikekosa, Smugglaz, Jskeelz and Loonie
Beats Produced by Yung Bawal
1st Verse — Mikekosa
Parehas sipag at edad, lalo pang dumadagdag
Dumidistansya ng ilang dipa kapag kumakaldag
Pinapaos, pero kahit kailan di kinakapos
Sa kahit na ano pa mang era ay laging tumatagos
Kapasidad, akala mo bata, hindi hinahapo
Paano mo pa mapapasuko kung kabisado ang laro
At di nagsasayang ng oras, ayaw mabalagong
Walang respetong natanggap kung tumandang paurong
Mga tumandang umaasa, pag si Batman ang bahala
Sila ’tong nakakaawa na palaging talunan
Pag sagad ka na sa gulang, di magawang buyuan
Kung wala kang pakinabang ay dapat kang layuan
Napakaraming mga kwento, sarap naibahagi
Ipakalat sa pasilyo at palibot ng gusali
At umeedad na di nakukupasan ng galing
Habang sila’y lumalangoy kasama ng mga pating
Chorus — Smugglaz
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat
2nd Verse — Jskeelz
Kahit malayo na pero malayo pa
Ramdam ko minsan, may oras na napapagod na
Pero ’di dahilan ang edad para tumamlay
Dahil habang tumatagal ay mas marami ang nagaantay
Mga tengang nakabantay sa bawat ilalabas
Mga palakpakan na mas lalo pang lumalakas
Kahit masikip na ang landas papunta sa taas
Lakad pa rin ay pasugod at ’di pwedeng umatras
’Di ko hinangad muling sumabog at bumenta
Humabol sa mga bago sa tunog ng kanilang meta
Ang tunay na pagkatao ko’y tumatak na sa mga tenga
Pag Roberto ang umareglo, ang mensahe ay direkta
Kahit pugad ng kalaban, sinubukan kong dumapo
Mga sugat ang sukatan sa tinakbo ko na malayo
Magpahinga ay posible pero huminto, malabo
Edad lang ang dumagdag pero skills ay ’di na maglalaho
Chorus — Smugglaz
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat
3rd Verse — Loonie
Di tumatanda, parang bokalista ng Chicosci
Istilo ay naka-upgrade, updated bawat kilobyte
Kasi “Dito sa Maynila,” sila nag-reunite
Tito Mike, Tito J, andito rin pati si Tito Bry
Triple OG classic, parang AF1 na triple white
Lalabas kami sa feed mo kahit na hindi mo type
Mapa-FB, IG, YouTube, Kumu man o Bigo Live
Kahit saan ako ay may fan na parang Jisulife
Hindi umeedad, Peter Pan and the Lost Boys
Mas matagal, mas mataas ang halaga, na parang Rolls-Royce
Pabata nang pabata, parang pormahan ni Boss Toys
Bogznoit na naman kasi sinolo yung crossjoint
Lalong tumatagal, mas lalong tumatalim
Mas lalo lamang tumatalas at mas gumagaling
Mas tumataas ang antas ng kaya pang gawin
Sapagkat kalabaw lang ang tumatanda, ’di ang mga kambing
Chorus — Smugglaz
Panahon lang ang lumilipas pero ang gutom ay gano’n pa rin
Parang bampira, anuman ang era, alam mo na may tira kahit anong gawin
Sa daming alam, sabik pa ring matuto, di nalalaos anuman ang mauso
Pakiramdam ko’y nagsisimula pa lang lahat
source

Kalabaw lang ang tumatanda di ang mga kambing 🔥🔥🔥🔥🔥🔥
tito mike (mike kosa , micheal jordan)
tito J (lebron James)
tito bry ( kobe bryant)
iba't ibang era
mas tumatalas mas tumatalem Habang umiiidad brrrrrrrr 🔥🔥🔥
Un lang M.kosa . . Asa disyerto ka , naka jacket ka😅 , pero lupet 👊
Bogsnoit na naman kasi sinolo yung crossjoint
blingzy one ?
Mga Tito talaga elem days palang idolo na , Tito Mike , Tito J, Tito Bry , at syempre 1 and Only Capital L Tito loons💙🙌🏻
2 weeks palang to?
Bat kasali pa si j zkell
mga mamaw sana ma set to sa wish
Pang singing contest boses ni smuglaz
if my ft fest dati sana my loonie and Collab artist December festival din para my another platform sila concert collaboration 💵
Gandaaa ng MV!
Tang ina loooooooniiiieeee
J skills 🔥
ang angas bagsakan ng beat
Dito sa maynila pota nostalgic
Mainit parang Dubai
angas nang MV lupet nyong apat
Solid mga kuya sa eksena ng Hip-Hop saludo sainyong apat mga Idols
Mas maganda Sana to kung si Mike Kosa ang nag churos tapos si Smugglaz ang nag verse. Pero kahit ganon paman apaka solid pa din🎉
"Di tumatanda para bang bokalista ng Chicosci" – legit hahaha Chicosci fan here
GOAT 💯🔥
❤❤❤
Idol loonie ♥️
Nakakatuwa na nagkakaisa na ang mga idol natin sa pinas. Ganda 👍👍👍
Andrew E Doctrines to Rap Game he said ,nagsisimula pa lang ako ,
Isa sa mga interview nya
tang inang multi yan , kung pakikinggan kung paano tinawaid ni loonie yung from as, ah-in to kambing AHAAHAAHAHA galing , langya
Pinaulanan nanaman ni Loonie ng multi! 🔥
SMUGGLAZ❤
Loonie 😮
Tindi Ng Apat🎙️👌🔥
idol boss grabe sultan ni loons ng agwat sa multisyllabic rhyme tas bars …
Imlnr🙏😇🍀✨
mikekosa 🔥🔥🔥
Grabi iba talaga mga OG RESPECT SA 4 PERO IBA TALAGA LOONIE
Kala ko a.i lang legit pala to
Grabe yung sulat ni loonie😮
solid 🪨
Baduy ng beat. Mainam pa ung mfa beat pag nag freestyle kayo e.